You are viewing enjaaaaa

 
 
08 November 2009 @ 10:43 am
Huling Hirit Ngayong Sembreak :)  
 Tinatamad akong magkwento.  Pero ganito yun, gumimik ako sa Manila (QC ata yun?) nung Friday, Nov. 6.  At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang pinayagan ako nina Mommy sumama.  At hindi lang ako ang nagulat, sabi nga ni May sa text nya, "In shock pa rin ako kasi napaluwas ko si Enj."  Pero kinontra kagad ni Riya kasi sya daw ang nakapagpaluwas sa'kin. Haha.  Ganun na ba kalaking achievement yun pag napaluwas ako? :O


Pero kelangan ko talagang sumama kasi yun lang ang naging lakad ng HS barkada ko ngayong sembreak. :)
 

Nagkaroon ako bale ng fashion emergency dahil hindi ko alam kung ano sinusuot sa mga gimik.  At jeans+shirt person talaga ko at nung thursday, inaapi na ko ni May at Riya dahil tingin daw nila naka-jeans lang ako.T__T  Tapos wala pa si ate sa bahay kaya di ko lam kung kanino magtatanong.T__T

 

Napressure ako nung sinabi ni Riya naka-dress sya. HAHAHA.  Prinoblema ko talaga yun. Kasi lagi na lang ako yung pinaka hindi maayos pag nagkikita kami.  Anong magagawa ko kung fashionista ang mga kabarkada ko at mahilig sa party samantalang ako ay isang hamak na bookworm na mahilig sa statement shirt? XD

 

Mag-isa ko sa bahay kahapon nung hinalungkat ko yung cabinet ko, ni ate at ni mommy. Tapos wala kong mahanap.T__T  Ayoko namang mag-skirt kasi sasakay ako ng bus tapos ang ikli ng suot ko. GAH.  Inaway pa ko ng isang tao dyan kasi ang bilis ko daw magpa-impluwensya. Hmp. [Kung mabilis akong magpaimpluwensya lasinggera na ko ngayon.]  Ayoko lang namang magmukhang alalay nanaman.  Tulad nung pumunta kong Puerto.  Mukha akong alalay-slash-photographer ni Ate Ethel at Ate Rachel. Kawawa naman. Haha.

 


 

Yan ang final output. XD Mukha akong principal noh???  Hindi pa ko nakacontacts. Haha.  Pero nung nakita ako ni mommy pinatanggal nya yung half-pony kasi ang pangit daw. XD  Haha.  [Sabi ni Alex, gusto nya sa babae pag naka-half pony kasi malinis tingnan.  Pero nung nag-half pony ako exemption daw ako kasi ang gulo. OK THANK YOU. Ang sweet nya forever.]

 

Edi ayun.  6PM ako dumating sa tagpuan namin ni Riya sa Sto. Tomas.  Kasi around 6 daw kami magkita dun.  Tapos ayun more than one hour akong naghintay.  Inip na inip ako.  Pero dapat inexpect ko na yun kasi forever namang late yun. Maaga na sa kanya ang one hour late. Hahaha.  Edi nung dumating sya ang saya ko like woah.  7PM na sya dumating sa Sto. Tomas at 7PM ang tagpuan namin sa terminal ng bus sa Manila. Sinong late? XD Haha.  Pero naging Gateway Mall na lang yung tagpuan.

 

Kasama nya si Paul ang kanyang dakilang BF. Kaming dalawa lang dapat ang magkasama nun eh.  Kaso dahil pareho kaming noob at hindi naluwas, natakot sya.  Kaya sinama nya ang kanyang baby. Hehehe.

 

Ang totoo nan ayoko dati kay Paul kasi mas tuod pa sya sakin.  LIKE HELL.  At hindi sya nagsasalita at wala laging reaction.  My gulay.  Napaka-animated ko pa naman, bagay kami. Haha. Joke.  Kaya ayun, nung nalaman kong silang dalawa kasabay ko sa bus, napraning ako.  Kala ko mao-op ako kasi ayun, pag magkasama sila may sarili silang mundo.  Pero minsan lang naman! Kasi kinakausap naman ako ni Riya nung nasa bus kami. Tsaka medyo nakausap ko na rin si Paul kaya okay na kami. Hahaha. Napagkwentuhan na ata namin kasi three hours yung byahe!!!! Parang pumunta na kong Pampanga nun. Huhu.  Ang traffic naman kasi sa SLEX at sa Alabang eh. :(

 

Basta ganun. Nagkaligaw-ligaw pa kami nina Riya kasi hindi namin alam kung saan bababa.  Sa terminal daw kami bumaba tapos sa MegaMall kami bumaba at naglakad papuntang StarMall tapos basta!!  To make the long story short, sumakay kami ng Cubao Ibabaw na meron palang terminal sa MegaMall!!!!T___T  Ayun, gastos. Haha. >.<

 

Past 11 na kami nakarating sa Gateway at mainit na ang ulo ko. T.T  Sorry.  Pagod na eh, naligaw pa at muntik ng maipit sa gitna ng dalawang bus.  Edi ayun. XD Hahaha.  Ang lagkit na kaya namin ni Riya at sabi nga namin, "eeew Manila." HAHA  peace Manila friends. XD

 

Naghanap na kami ng comedy bar! Yehey! Yun kasi talaga ang plano, sa PunchLine sana pero past 12 na kami nakarating dun (kasi naligaw kami ulit kasi hindi familiar si Pong ni May sa lugar dahil balikbayan sya at sya ang nag-ddrive XD whew) at standing na daw.  Kaya ayun.T__T  Pinatulan na namin ang Klownz kahit GMA artists ang andun at ang habol talaga namin ay si Vice Ganda o si Ethel Booba (asa PunchLine sya nun!). Hahahaha.  Naconfuse pa ko kung sino si Wally at sino si Jose. HAHA. Ayos na rin, ang saya naman. :) Bastos talaga sa mga comedy bar. Funneh.

 

Jen Riya Karla Ako Kat May :)
 

Anim nga pala kami nun! Si Eneng lang wala.  Tapos kasama ni May, Jen at Riya ang bf nila bale 9 kami. Hehehe.  Ang sad lang kasi wala nanaman si Eneng.  Tinatawanan na lang namin kahit yung last time na nabuo ang barkada eh nung debut ko (June 7, 2008).  SAD. :( At ang isa sa pinakanakakaoverwhelm ng gabing yon: Nilibre kami ni Pong, ang bf ni May, ng entrance sa Klownz. GAH. Ang yaman, nahiya kami. Hahaha.

 


 

Sobrang mahal ng food at drinks dun sa place!! Eh sobrang dehydrated na ko at gutom (dahil nga sa pagod).  Pero ang inorder ko lang eh Blackforest Shake with Oreo cookie at ako pa yung nagsulat sa sulatan ng waiter ng orders kala ko kasi kami talaga eh hindi pala. Ayun, pakialamera. XD  Pinatikim din ako ni Karla nung inorder nyang cocktail. GAH.  I don't get it.  Anong masarap sa alcohol at sa mga juice na may halong alcohol???? O___O  Pero my gosh friends, ang sarap ng sisig.  SOBRA.  Adik ako sa Sisig, let's Big Dad's sa pasukan. :)))


 

 

 

Karla, Kat, Me :)


Kaming tatlo lang yung walang partner kaya nagpipicture kami lagi. HAHAHA. :)  At sinisigurado namin na kami magkakatabi lagi para lang masaya.  Tapos ginagaya namin minsan ni Kat yung mga ginagawa ng lovers. hahaha.  Ang joke eh. XD  Tapos si Karla ang adik, ayaw nyang ipagkalat namin ni Kat na adik na sya sa koreans. As in, kahiya-hiya daw pag nalaman ng iba na mahilig sya sa Koreans.  At hindi raw sya adik, "interested" lang sya. XD

 

Nagulat nga pala ko kay May kasi ang pacute nya kay Pong.  Hindi ako sanay, mas sanay akong kupal lang sya at maangas at hindi sweet. XDDD  Natutulala na lang kami. Haha.

 

Riya, Kat, Me :)
 

2:30 AM na kami umalis dun sa comedy bar. Haha.  At nag-road trip kami papuntang Antipolo, Rizal! WOAH.  Nagulat ako, hindi ko alam na sa Antipolo kami papunta.  Ang luwag na ng daan! Hindi na traffic at super bilis lang ng byahe.  Ang ganda nung daan sa gabi. Hehe. Dumaan kami sa Marikina at na-amaze ako kasi ang blis nilang makarecover. :)  Go Marikina! :)  Ay, nakita ko rin yung ibang landslide sa Antipolo.  Ang scary. :(

 


Hindi maganda sa picture kasi di ako magaling.T_T


Ang ganda ng view!!!! My gosh.  Second time ko palang dun, umaga nung pumunta ko dati at maganda na sya. Pero mas maganda pala pag gabi.  Sa Padi's Point kami pumunta buti na lang walang dance floor kasi hindi ako nasayaw at wala akong planong sumayaw.

 

Kung sakaling pupunta kaming bar na may sayawan talaga and all, hindi ako sasayaw.  Tapos inaway na naman nila ko.  Sabi ni May kung gusto ko daw ba talagang maging Wallflower na naman.  Buong high school wallflower na daw ako. Gusto ko raw bang grumaduate ng high school na wallflower pa rin? TSK.  Ipabasa ko kaya kay May ang Perks of Being a Wallflower. HMP. Sorry na kung hindi ako party girl. :(


Kat, Karla and Me with my ice-cold water <3


Tapos hindi pa ko umiinom di ba?  Pero pinipilit ako ni Pong uminom.  At kumanta. The hell. Pero naiirita talaga ko pag pinipilit ako pero hinayaan ko na kasi first time ko naman syang nakasama sa inuman s hindi nya alam na hindi ako nainom. Inaaway pa nya ko kasi bakit daw ako inom ng inom ng tubig.T____T  ang sarap nung tubig eh at dehydrated na talaga ko.  Halos nakadalawang pitchers ata ako ng tubig at hindi ako nageexaggerate lang.T_T  Ayoko na ring umorder pa ng iced tea or whatever drinks kasi ayoko ng gumastos. Haha. tubig ftw!  Pero ayun. Uminom ako ng dalawang lagok ng Mindoro Sling at tinamaan ako bigla ng antok.T_T HAHAHA.  Pero after maraming tubig nabuhayan ulit ako.

 

Kami yung pinakahuling tao sa bar! As in, inabutan kami ng sunrise dun.  At habang ang boys ay umalis para humanap ng sunod na matatambayan, nagsayaw kaming mga girls. HAHA.  Ang joke nung sayaw namin. XD Kasi yung crew na lang ng resto andun at may music pa.  Binigyan ako ni May ng one-on-one dance lesson kasi hindi sila makaget over na ang pangit kong sumayaw. HAHAHA.  Bakit ganun, feeling ko the whole time na magkakasama kami inaaway lang nila ako? XD

 

Tapos nagkwekwento at dinedemo pa ni May at Karla kung paano ba talaga sumayaw ang mga tao sa bar at GAH.  Kinilabutan ko.  Literal.  As in, hindi ko ata kakayanin.  Therefore, hindi talaga ko papasok sa bar na required kang sumayaw dahil ang freaky noh.  Masyadong close. Sorry naman.  Ayoko lang ng ganun at wala akong magagawa kung party people ka at ok lang sa'yo yung ganun. haha.  Sakin hindi.>.<  At isa pa, hindi ko rin naman talaga kayang sumayaw. XD

 

Tapos nakahanap ng hotel sina Pong at matulog daw muna kami bago umuwi.  At ayun, tumawag ako kina mommy at napagalitan ako ng bonggang-bongga dahil bakit daw ako nakarating ng Antipolo at bakit daw maghohotel pa dapat daw umuwi na lang ako.  Pero imposibleng umuwi dahil malilgaw ako at San Pablo palang talaga ang napupuntahan kong mag-isa.

 

Basta napagalitan ako.  At sabi nila kumuha daw ako ng ibang kwarto, bumukod daw ako.  Isama ko na lang sa kwarto kung sino yung walang bf. Hehe.T__T  Si Karla na lang yun kasi umalis na si Kat dahil may OJT pa sya ng 8.  Ayun.

 

At eto na kung bakit ako umiyak  ng todo-todo.  Nalungkot lang ako kay Karla kasi nung pinapakausap ko sya kay Mommy sa phone (si Mommy talaga yung nagsabing kakausapin sya) ayaw nyang kausapin.  Tapos kinausap lang nya kasi sabi ko sya ang kelangang kausapin kasi sya lang yung walang bf na kasama.T_T  At ang pinakakinalungkot ko talaga eh hindi nya ko sinamahan dun sa room. :(  Kahit tinanong ni mommy kung pwedeng samahan na lang ako.  At hindi rin nya ko hinintay makakuha ng room.  Umakyat na sya at natulog dun sa room na nirent nina May.  Buti pa sina May hinintay ako. :(  kaya ayun umiyak na lang ako pagdating ko sa room.  Mag-isa rin naman.

 

Feeling ko ng moment na yun ang loser ko.  Kasi wala kong kasama sa room, napagalitan na nga tapos gumastos pa ko ng 350 para sa room na yun. XDDD Naguguluhan din ako ng moment na yun kasi iniisip ko kung may ginawa ba akong masama.  Feeling ko kasi hindi na ganun kadefine yung values at principles ko. WAHAHA. Para akong twelve years old na nageexperiment pa kung ano ang tama at mali.  Tapos basta.  Errr.  Hindi lang din ako natuwa sa ibang tao na nakasama ko nun.  Wala lang.

 

Hindi ko naman inaasahan na aalagaan at ibe-baby nila ko o whatever.  Pero feeling ko iniwan na lang ako sa ere.  Nagtampo na lang din ako kay Karla. Medyo naintindihan ko naman na hindi maiwan ng friends ko ang boyfies nila kaya di nila ko sinamahan.  Pero mag-isa lang din naman si Karla nun at best friend ko sya di ba? Hindi ko na ramdam. Wag na lang kaya ko mag-best friend.  Haha. Ang sama ko.  Pero lagi na lang kasi. :'(

 

Pero ayun, medyo naliwanagan na ko sa lahat.  Tama si Alex, wag ko ng iyakan na napagalitan ako kasi ginusto ko rin naman at nag-enjoy ako. HAHA.T__T  At nag-alala lang naman sina mommy dahil inabot ako sa Antipolo.  At ngayon ko lang din narealize na nakainom nga pala driver namin.>.<  At sabi ni daddy baka hindi na daw ako makaulit. HEHE. T__T  At ayan ang naging basehan ko kung bakit major fail ang gimik na yun. XD


 

Riya, May at ako :D


Sa Gateway Mall na lang kami naglunch at first time kong mag-Dairy Queen. :) Nabano kami ni May, first time din nya kasi. Haha. XD Naging masaya na rin naman ako nung naglalunch na pero ayun. Mabigat pa din yung loob ko nun. Hehehe.  Ayoko ng isipin.  Hindi na lang ako uulit. T.T

 

AH-UHM.

 
 
Current Mood: tiredtired
 
 
( 4 comments — Leave a comment )
Ayessa: bravepagelift on November 24th, 2009 11:51 am (UTC)
Grabe Jane. T____T Mabuhay tayong mga manang. T___T Manang ang tawag sa'kin ng mga tao kasi mahilig ako sa jeans at shirt, di nainom, ayaw ng matataong lugar tulad ng bar, ayaw sumubok mag-smoke, etc. T___T

Haha! Akala ko ako na lang ang manang sa mundo. Toink. Apir tayo. Haha! Feel ko lang sabihin. :D
Janeenjaaaaa on November 25th, 2009 09:10 am (UTC)
sa lahat ng makakapareho ko, ikaw pa! hahahaha joke .:) marami naman atang kapareho natin eeeh. Pero ayoko talaga sa gma bar. XD hahaha

salamat kanina ayessa. makakamove on na tayo sa thesis!
Ayessa: cuuutepagelift on November 26th, 2009 02:18 am (UTC)
Ayoko sa bar period. Hahahaha! Yuck. Mas maganda pa mag-EK kesa do'n. Hahaha! :)))))

Idol mo pala si Vice Ganda. XD

Yehey! GO THESIS. May pasalubong pa pala si Ma'am sa'tin. :))))))))))
Janeenjaaaaa on November 26th, 2009 07:27 am (UTC)
WAHAHAHA ang mahal kasi ng EK eh.T__T pero gusto ko na ulit magEK. Space shuttle!!! XD hahaha

hindi naman idol. pero okay sya sakin. nakakatawa naman ah.T_T hehehe

napatawad ko ata si ma'am kasi binigyan nya tayo ng kisses. XD hahahaha
( 4 comments — Leave a comment )